Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 45 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 45 sa 64 • Tagalog


وَاللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَابَّةٍ مِنْ مَاءٍ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ بَطْنِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ رِجْلَيْنِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ أَرْبَعٍ ۚ يَخْلُقُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 45
Pagsasalin:
Si Allāh ay lumikha sa bawat gumagalaw na nilalang mula sa tubig, saka mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. An-Nūr 24:45
Tafsīr:
Si Allāh ay lumikha sa bawat umuusad sa balat ng lupa na hayop mula sa isang punlay. Mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan nito nang pagapang gaya ng mga ahas, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa gaya ng tao at ibon, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat gaya ng mga hayupan. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya kabilang sa nabanggit Niya at kabilang sa hindi Niya binanggit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 44 Susunod An-Nūr • Talata 46