Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 4)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 4

وَالَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ ثُمَّ لَمْ يَأْتُوا بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ فَاجْلِدُوهُمْ ثَمَانِينَ جَلْدَةً وَلَا تَقْبَلُوا لَهُمْ شَهَادَةً أَبَدًا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ 4 ٤

Ang mga nagpaparatang [ng pangangalunya] sa mga malinis na babae, pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi, ay hagupitin ninyo ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga iyon ay ang mga suwail – (4)

Tafsīr
Ang mga nagpaparatang ng mahalay sa mga mabini kabilang sa mga babae (at mga mabini kabilang sa mga lalaki tulad nila), pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi sa ipinaratang nila na mahalay, ay hagupitin ninyo – o mga tagahatol – ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga nagpaparatang na iyon sa mga mabini ay ang mga lumabas sa pagtalima kay Allāh –

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba