Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 59

وَإِذَا بَلَغَ الْأَطْفَالُ مِنْكُمُ الْحُلُمَ فَلْيَسْتَأْذِنُوا كَمَا اسْتَأْذَنَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 59 ٥٩

Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa kahustuhang gulang ay magpaalam sila gaya ng pagpaalam ng mga bago pa nila. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong. (59)

Tafsīr
Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa edad ng kahustuhang gulang ay humingi sila ng pahintulot sa pagpasok sa mga bahay sa lahat ng mga sandali tulad ng nabanggit sa hinggil sa nauukol sa mga nakatatanda kanina. Kung paanong naglinaw si Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng pagpaalam, naglilinaw Siya para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa isinabatas Niya para sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba