Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 59 sa 64 • Tagalog


وَإِذَا بَلَغَ الْأَطْفَالُ مِنْكُمُ الْحُلُمَ فَلْيَسْتَأْذِنُوا كَمَا اسْتَأْذَنَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 59
Pagsasalin:
Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa kahustuhang gulang ay magpaalam sila gaya ng pagpaalam ng mga bago pa nila. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong. An-Nūr 24:59
Tafsīr:
Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa edad ng kahustuhang gulang ay humingi sila ng pahintulot sa pagpasok sa mga bahay sa lahat ng mga sandali tulad ng nabanggit sa hinggil sa nauukol sa mga nakatatanda kanina. Kung paanong naglinaw si Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng pagpaalam, naglilinaw Siya para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa isinabatas Niya para sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 58 Susunod An-Nūr • Talata 60