Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 60 sa 64 • Tagalog


وَالْقَوَاعِدُ مِنَ النِّسَاءِ اللَّاتِي لَا يَرْجُونَ نِكَاحًا فَلَيْسَ عَلَيْهِنَّ جُنَاحٌ أَنْ يَضَعْنَ ثِيَابَهُنَّ غَيْرَ مُتَبَرِّجَاتٍ بِزِينَةٍ ۖ وَأَنْ يَسْتَعْفِفْنَ خَيْرٌ لَهُنَّ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 60
Pagsasalin:
Ang mga matanda kabilang sa mga babaing hindi nag-aasam ng pag-aasawa ay wala sa kanilang maisisisi na mag-alis sila ng mga [panlabas na] kasuutan nila habang hindi mga nagtatanghal ng gayak, ngunit ang magpakahinhin sila ay higit na mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. An-Nūr 24:60
Tafsīr:
Ang mga matandang babaing tumigil sa pagreregla at pagbubuntis dahil sa katandaan nila, na hindi nagmimithi ng pag-aasawa, ay wala sa kanilang kasalanan na mag-alis sila ng ilan sa mga kasuutan nila gaya ng balabal at panakip sa mukha, habang hindi mga naglalantad ng gayak na nakakubli, na ipinag-utos sa kanila na magtakip nito, gayong ang tumigil sila sa pag-aalis ng mga kasuutang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa pag-aalis ng mga iyon bilang pagpapaigting sa pagtatakip at pagpapakahinhin. Si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Maalam sa mga gawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti sa inyo sa mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 59 Susunod An-Nūr • Talata 61