Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga matanda kabilang sa mga babaing hindi nag-aasam ng pag-aasawa ay wala sa kanilang maisisisi na mag-alis sila ng mga [panlabas na] kasuutan nila habang hindi mga nagtatanghal ng gayak, ngunit ang magpakahinhin sila ay higit na mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. (60)
Tafsīr
Ang mga matandang babaing tumigil sa pagreregla at pagbubuntis dahil sa katandaan nila, na hindi nagmimithi ng pag-aasawa, ay wala sa kanilang kasalanan na mag-alis sila ng ilan sa mga kasuutan nila gaya ng balabal at panakip sa mukha, habang hindi mga naglalantad ng gayak na nakakubli, na ipinag-utos sa kanila na magtakip nito, gayong ang tumigil sila sa pag-aalis ng mga kasuutang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa pag-aalis ng mga iyon bilang pagpapaigting sa pagtatakip at pagpapakahinhin. Si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Maalam sa mga gawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti sa inyo sa mga iyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: