Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kayong gumawa sa pagtawag sa Sugo sa gitna ninyo gaya ng pagtawag ng ilan sa inyo sa iba. Nalalaman nga ni Allāh ang mga tumatalilis [nang walang paalam] kabilang sa inyo nang patago. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang sigalot o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit. (63)
Tafsīr
Magparangal kayo, O mga mananampalataya, sa Sugo ni Allāh. Kaya kapag nanawagan kayo sa kanya ay huwag kayong manawagan sa kanya sa pamamagitan ng pangalan niya tulad ng: "O Muḥammad," o sa pamamagitan ng pangalan ng ama niya tulad ng: "O anak ni `Abullāh," gaya ng ginagawa ng ilan sa inyo sa iba. Subalit sabihin ninyo: "O Sugo ni Allāh; O Propeta ni Allāh." Kapag nanawagan siya sa inyo para sa isang usaping panlahat, huwag ninyong gawin ang panawagan niya gaya ng panawagan ng iba sa inyo sa iba pa sa mga usaping walang halaga sa karaniwan, bagkus magmadali kayo sa pagtugon doon. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa mga lumilisan kabilang sa inyo nang pakubli nang walang paalam. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magpatama si Allāh sa kanila ng isang sigalot at isang pagsubok o magpatama Siya sa kanila ng isang pagdurusang nakasasakit na walang pagtitiis para sa kanila roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: