Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 63 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 63 sa 64 • Tagalog


لَا تَجْعَلُوا دُعَاءَ الرَّسُولِ بَيْنَكُمْ كَدُعَاءِ بَعْضِكُمْ بَعْضًا ۚ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنْكُمْ لِوَاذًا ۚ فَلْيَحْذَرِ الَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنْ أَمْرِهِ أَنْ تُصِيبَهُمْ فِتْنَةٌ أَوْ يُصِيبَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 63
Pagsasalin:
Huwag kayong gumawa sa pagtawag sa Sugo sa gitna ninyo gaya ng pagtawag ng ilan sa inyo sa iba. Nalalaman nga ni Allāh ang mga tumatalilis [nang walang paalam] kabilang sa inyo nang patago. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang sigalot o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit. An-Nūr 24:63
Tafsīr:
Magparangal kayo, O mga mananampalataya, sa Sugo ni Allāh. Kaya kapag nanawagan kayo sa kanya ay huwag kayong manawagan sa kanya sa pamamagitan ng pangalan niya tulad ng: "O Muḥammad," o sa pamamagitan ng pangalan ng ama niya tulad ng: "O anak ni `Abullāh," gaya ng ginagawa ng ilan sa inyo sa iba. Subalit sabihin ninyo: "O Sugo ni Allāh; O Propeta ni Allāh." Kapag nanawagan siya sa inyo para sa isang usaping panlahat, huwag ninyong gawin ang panawagan niya gaya ng panawagan ng iba sa inyo sa iba pa sa mga usaping walang halaga sa karaniwan, bagkus magmadali kayo sa pagtugon doon. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa mga lumilisan kabilang sa inyo nang pakubli nang walang paalam. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magpatama si Allāh sa kanila ng isang sigalot at isang pagsubok o magpatama Siya sa kanila ng isang pagdurusang nakasasakit na walang pagtitiis para sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 62 Susunod An-Nūr • Talata 64