Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 62 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 62 sa 64 • Tagalog


إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَإِذَا كَانُوا مَعَهُ عَلَىٰ أَمْرٍ جَامِعٍ لَمْ يَذْهَبُوا حَتَّىٰ يَسْتَأْذِنُوهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ فَإِذَا اسْتَأْذَنُوكَ لِبَعْضِ شَأْنِهِمْ فَأْذَنْ لِمَنْ شِئْتَ مِنْهُمْ وَاسْتَغْفِرْ لَهُمُ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 62
Pagsasalin:
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Kapag sila ay kasama sa kanya sa isang usaping nagbubuklod, hindi sila umaalis hanggang sa magpaalam sila sa kanya. Tunay ang mga nagpapaalam sa iyo, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Kaya kapag nagpaalam sila sa iyo dahil sa ilan sa nauukol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo kabilang sa kanila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. An-Nūr 24:62
Tafsīr:
Tanging ang mga mananampalatayang tapat sa pananampalataya nila ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa Sugo Niya. Kapag sila ay kasama sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa isang usaping nagbubuklod sa kanila para sa kapakanan ng mga Muslim, hindi sila lumilisan hanggang sa humingi sila sa kanya ng pahintulot sa paglisan. Tunay ang mga humihingi sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa sandali ng paglisan, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Sugo Niya nang totohanan. Kaya kapag humingi sila sa iyo ng pahintulot para sa ilang bagay na pumapatungkol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo na pahintulutan kabilang sa kanila. Humingi ka para sa kanila ng kapatawaran para sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 61 Susunod An-Nūr • Talata 63