Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 64 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 64 sa 64 • Tagalog


أَلَا إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قَدْ يَعْلَمُ مَا أَنْتُمْ عَلَيْهِ وَيَوْمَ يُرْجَعُونَ إِلَيْهِ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 64
Pagsasalin:
Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Nakaaalam nga Siya sa anumang [kalagayang] kayo ay naroon at sa araw na pababalikin sila tungo sa Kanya kaya magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. An-Nūr 24:64
Tafsīr:
Pansinin, tunay na sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Nakaaalam Siya sa anumang kayo, O mga tao, ay naroon na mga kalagayan: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman. Sa Araw ng Pagbangon kapag pababalikin sila tungo sa Kanya sa pamamagitan ng pagbuhay matapos ng kamatayan, magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga gawain sa Mundo. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 63 Susunod Al-Furqān • Talata 1