Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Furqān — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Al-Furqān • Talata 1 sa 77 • Tagalog


تَبَارَكَ الَّذِي نَزَّلَ الْفُرْقَانَ عَلَىٰ عَبْدِهِ لِيَكُونَ لِلْعَالَمِينَ نَذِيرًا 1
Pagsasalin:
Napakamapagpala ang nagbaba ng [Qur’ān bilang] pamantayan sa Lingkod Niya upang ito para sa mga nilalang ay maging isang mapagbabala, Al-Furqān 25:1
Tafsīr:
Napakadakila at dumami ang kabutihan ng nagbaba ng Qur'ān – bilang tagapaghiwalay sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan – sa Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – upang ito ay maging isang sugo sa dalawang pangunahing nilikha, ang tao at ang jinn, habang nagpapangamba sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh,
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 64 Susunod Al-Furqān • Talata 2