na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng isang anak, hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katambal sa paghahari, at lumikha ng bawat bagay saka nagtakda rito ng isang pagtatakda.” Al-Furqān 25:2 ⧉
Tafsīr:
na sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Hindi Siya gumawa ng anak, hindi Siya nagkaroon ng katambal sa paghahari Niya, at lumikha Siya sa lahat ng mga bagay saka nagtakda Siya sa paglikha sa mga ito alinsunod sa hinihiling ng kaalaman Niya at karunungan Niya ayon sa isang pagtatakda, na bawat isa ay ayon sa naaangkop dito.