Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 10

تَبَارَكَ الَّذِي إِنْ شَاءَ جَعَلَ لَكَ خَيْرًا مِنْ ذَٰلِكَ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَيَجْعَلْ لَكَ قُصُورًا 10 ١٠

Napakamapagpala ang kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo. (10)

Tafsīr
Napakamapagpala ni Allāh na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa sa iminungkahi nila sa iyo sa pamamagitan ng paggawa para sa iyo sa Mundo ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at ng mga punong-kahoy ng mga ito, na kakain ka ng mga bunga ng mga ito, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyong titirahan mo habang pinagiginhawa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba