Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 15

قُلْ أَذَٰلِكَ خَيْرٌ أَمْ جَنَّةُ الْخُلْدِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۚ كَانَتْ لَهُمْ جَزَاءً وَمَصِيرًا 15 ١٥

Sabihin mo: “Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala?” Ito para sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan. (15)

Tafsīr
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang nabanggit na iyon ba na pagdurusang inilarawan sa inyo ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na namamalagi ang kaginhawahan doon at hindi napuputol magpakailanman?" Ito ang ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, na ito para sa kanila ay maging isang gantimpala at isang balikang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba