Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 37

وَقَوْمَ نُوحٍ لَمَّا كَذَّبُوا الرُّسُلَ أَغْرَقْنَاهُمْ وَجَعَلْنَاهُمْ لِلنَّاسِ آيَةً ۖ وَأَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ عَذَابًا أَلِيمًا 37 ٣٧

Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit. (37)

Tafsīr
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa pamamagitan ng pagpapasinungaling nila kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan, ay ipinahamak Namin sa pamamagitan ng paglunod sa dagat. Ginawa Namin ang pagpapahamak sa kanila bilang katunayan sa kakayahan Namin sa paglipol sa mga tagalabag sa katarungan. Naghanda Kami para sa mga tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang nakasasakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba