Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 40

وَلَقَدْ أَتَوْا عَلَى الْقَرْيَةِ الَّتِي أُمْطِرَتْ مَطَرَ السَّوْءِ ۚ أَفَلَمْ يَكُونُوا يَرَوْنَهَا ۚ بَلْ كَانُوا لَا يَرْجُونَ نُشُورًا 40 ٤٠

Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan [ni Propeta Lot] na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila noon ay hindi nag-aasam ng isang pagkabuhay. (40)

Tafsīr
Talaga ngang pumunta ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa pagpunta nila sa Sirya – sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot, na pinaulanan ng mga bato bilang parusa para roon sa paggawa ng mahalay, upang magsaalang-alang sila. Kaya nabulagan ba sila sa pamayanang ito sapagkat hindi sila dati nakasasaksi niyon? Hindi; bagkus sila noon ay hindi umaasa sa isang pagbubuhay [na muli], na tutuusin sila matapos niyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba