Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 44)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 44

أَمْ تَحْسَبُ أَنَّ أَكْثَرَهُمْ يَسْمَعُونَ أَوْ يَعْقِلُونَ ۚ إِنْ هُمْ إِلَّا كَالْأَنْعَامِ ۖ بَلْ هُمْ أَضَلُّ سَبِيلًا 44 ٤٤

O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o nakapag-uunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas. (44)

Tafsīr
Bagkus nag-aakala ka ba, O Sugo, na ang higit na marami sa inaanyayahan mo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya ay dumidinig ng pagdinig ng pagtanggap o nakapag-uunawa sa mga katwiran at mga patotoo? Walang iba sila kundi tulad ng mga hayupan sa pagdinig, pagpapakaunawa, at pag-intindi, bagkus sila ay higit na ligaw sa daan kaysa sa mga hayupan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba