O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o nakapag-uunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas. Al-Furqān 25:44 ⧉
Tafsīr:
Bagkus nag-aakala ka ba, O Sugo, na ang higit na marami sa inaanyayahan mo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya ay dumidinig ng pagdinig ng pagtanggap o nakapag-uunawa sa mga katwiran at mga patotoo? Walang iba sila kundi tulad ng mga hayupan sa pagdinig, pagpapakaunawa, at pag-intindi, bagkus sila ay higit na ligaw sa daan kaysa sa mga hayupan.