Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ginawa ang araw bilang gabay rito. Al-Furqān 25:45 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga bakas ng pagkalikha ni Allāh nang inilatag Niya ang anino sa mukha ng lupa? Kung sakaling niloob Niya na gawin itong nakatigil na hindi gumagalaw ay talaga sanang ginawa Niya ito na ganoon. Pagkatapos ginawa ang araw bilang katunayan dito, na humahaba sa pamamagitan ng araw at umiikli.