Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 45

أَلَمْ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيْفَ مَدَّ الظِّلَّ وَلَوْ شَاءَ لَجَعَلَهُ سَاكِنًا ثُمَّ جَعَلْنَا الشَّمْسَ عَلَيْهِ دَلِيلًا 45 ٤٥

Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ginawa ang araw bilang gabay rito. (45)

Tafsīr
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga bakas ng pagkalikha ni Allāh nang inilatag Niya ang anino sa mukha ng lupa? Kung sakaling niloob Niya na gawin itong nakatigil na hindi gumagalaw ay talaga sanang ginawa Niya ito na ganoon. Pagkatapos ginawa ang araw bilang katunayan dito, na humahaba sa pamamagitan ng araw at umiikli.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba