Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya, at may tumulong sa kanya rito na mga ibang tao,” ngunit naghatid nga sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan. (4)
Tafsīr
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad saka iniugnay niya ito kay Allāh bilang paninirang-puri. May tumulong sa kanya sa paglikha-likha nito na mga ibang tao." Ngunit gumawa-gawa ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng isang sinabing bulaan sapagkat ang Qur'ān ay Salita ni Allāh, na hindi maaaring makagawa ang tao ni ang jinn ng tulad nito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: