Surah Al-Furqān (Ang Pamantayan — الفرقان) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




25 Al-Furqān(الفرقان), Talata 70

إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يُبَدِّلُ اللَّهُ سَيِّئَاتِهِمْ حَسَنَاتٍ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 70 ٧٠

maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (70)

Tafsīr
Subalit ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos, na nagpapatunay sa katapatan ng pagbabalik-loob niya, ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng magandang gawa ang ginawa nilang mga gawang masagwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba