Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 15

وَلَقَدْ آتَيْنَا دَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ عِلْمًا ۖ وَقَالَا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٍ مِنْ عِبَادِهِ الْمُؤْمِنِينَ 15 ١٥

Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman. Nagsabi silang dalawa: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.” (15)

Tafsīr
Talaga ngang nagbigay Kami kay David at sa anak niyang si Solomon ng kaalaman, na bahagi nito ang kaalaman sa pakikipag-usap sa mga ibon. Nagsabi sina David at Solomon habang mga nagpapasalamat kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin ng inilaan Niya sa amin na kaalaman at pagkapropeta higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba