Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 16

وَوَرِثَ سُلَيْمَانُ دَاوُودَ ۖ وَقَالَ يَا أَيُّهَا النَّاسُ عُلِّمْنَا مَنْطِقَ الطَّيْرِ وَأُوتِينَا مِنْ كُلِّ شَيْءٍ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْفَضْلُ الْمُبِينُ 16 ١٦

Nagmana si Solomon kay David at nagsabi: “O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng mga ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw.” (16)

Tafsīr
Nagmana si Solomon sa ama niyang si David sa pagkapropeta, kaalaman, at pagkahari. Nagsabi siya habang nagsasalita hinggil sa biyaya ni Allāh sa kanya at sa ama niya: "O mga tao, nagturo sa amin si Allāh ng pag-intindi sa mga huni ng ibon at nagbigay Siya sa amin mula sa bawat bagay na ibinigay Niya sa mga propeta at mga hari. Tunay na itong ibinigay sa amin ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay talagang ang kabutihang-loob na maliwanag na malinaw."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba