Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 34

قَالَتْ إِنَّ الْمُلُوكَ إِذَا دَخَلُوا قَرْيَةً أَفْسَدُوهَا وَجَعَلُوا أَعِزَّةَ أَهْلِهَا أَذِلَّةً ۖ وَكَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ 34 ٣٤

Nagsabi siya: “Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga marangal sa mga naninirahan doon bilang mga kaaba-aba. Gayon sila gumawa. (34)

Tafsīr
Nagsabi ang reyna: "Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sa isa sa mga pamayanan, ay nanggugulo roon dahil sa isinasagawa nilang pagpatay, pangangamkam, at pandarambong. Ginagawa nila ang mga ginoo niyon at ang mga maharlika niyon na mga kaaba-aba matapos na nagkaroon ang mga ito ng karangalan at kapangyarihan. Gayon ang ginagawa ng mga hari palagi kapag nanaig sila sa mga mamamayan ng isang pamayanan upang makapagtanim sila ng sindak at hilakbot sa mga kaluluwa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba