Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 34 sa 93 • Tagalog


قَالَتْ إِنَّ الْمُلُوكَ إِذَا دَخَلُوا قَرْيَةً أَفْسَدُوهَا وَجَعَلُوا أَعِزَّةَ أَهْلِهَا أَذِلَّةً ۖ وَكَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ 34
Pagsasalin:
Nagsabi siya: “Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga marangal sa mga naninirahan doon bilang mga kaaba-aba. Gayon sila gumawa. An-Naml 27:34
Tafsīr:
Nagsabi ang reyna: "Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sa isa sa mga pamayanan, ay nanggugulo roon dahil sa isinasagawa nilang pagpatay, pangangamkam, at pandarambong. Ginagawa nila ang mga ginoo niyon at ang mga maharlika niyon na mga kaaba-aba matapos na nagkaroon ang mga ito ng karangalan at kapangyarihan. Gayon ang ginagawa ng mga hari palagi kapag nanaig sila sa mga mamamayan ng isang pamayanan upang makapagtanim sila ng sindak at hilakbot sa mga kaluluwa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 33 Susunod An-Naml • Talata 35