Nagsabi sila: “Tayo ay mga may matinding kapangyarihan at ang usapin ay nasa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang ipag-uutos mo.” An-Naml 27:33 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sa kanya ang mga maharlika kabilang sa mga tao niya: "Tayo ay mga may lakas na malaki at mga may bagsik na malakas sa digmaan. Ang pananaw [na sinusunod] ay ang nakikita mo kaya tingnan mo kung ano ang ipag-uutos mo sa amin sapagkat kami ay mga nakakakaya sa pagpapatupad niyon."