Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 44)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 44

قِيلَ لَهَا ادْخُلِي الصَّرْحَ ۖ فَلَمَّا رَأَتْهُ حَسِبَتْهُ لُجَّةً وَكَشَفَتْ عَنْ سَاقَيْهَا ۚ قَالَ إِنَّهُ صَرْحٌ مُمَرَّدٌ مِنْ قَوَارِيرَ ۗ قَالَتْ رَبِّ إِنِّي ظَلَمْتُ نَفْسِي وَأَسْلَمْتُ مَعَ سُلَيْمَانَ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ 44 ٤٤

Sinabi sa kanya: “Pumasok ka sa palasyo.” Kaya noong nakita niya [ang salaming sahig na] ito ay nag-akala siyang ito ay isang lawa at [naglilis ng damit kaya] naglantad siya ng mga lulod niya. Nagsabi [si Solomon]: “Tunay na ito ay isang palasyong pinakinis [ang sahig] mula sa mga salamin.” Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko. Nagpasakop ako kasama kay Solomon kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang.” (44)

Tafsīr
Sinabi sa kanya: "Pumasok ka sa palasyo." Ito ay gaya ng anyo ng terasa. Kaya noong nakita niya ito, nagpalagay siyang ito ay isang tubigan kaya naglantad siya ng mga lulod niya upang sumuong dito. Nagsabi si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na ito ay isang palasyong pinakintaban ng mga salamin." Nag-anyaya si Solomon sa kanya sa Islām saka tumugon naman siya sa paanyaya nito sa kanya habang nagsasabi: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko dahil sa pagsamba sa iba pa sa Iyo kasama sa Iyo. Nagpaakay ako kasama kay Solomon kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kalahatan ng mga ito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba