Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 59

قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ وَسَلَامٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ الَّذِينَ اصْطَفَىٰ ۗ آللَّهُ خَيْرٌ أَمَّا يُشْرِكُونَ 59 ٥٩

Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh at kapayapaan ay sa mga lingkod Niyang hinirang Niya. Si Allāh ba ay higit na mabuti o ang itinatambal ninyo? (59)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh sa mga biyaya Niya. Katiwasayan mula sa Kanya laban sa pagdurusang dulot Niya, na pinagdusa Niya sa pamamagitan nito ang mga tao nina Lot at Ṣāliḥ, ay ukol sa mga Kasamahan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Si Allāh ba na sinasamba ayon sa karapatan, na nasa kamay Niya ang kaharian sa bawat bagay, ay higit na mabuti o ang sinasamba ng mga tagapagtambal, na mga sinasambang hindi nakapagdudulot ng isang pakinabang ni isang pinsala?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba