Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 18

يَسْتَعْجِلُ بِهَا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِهَا ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا مُشْفِقُونَ مِنْهَا وَيَعْلَمُونَ أَنَّهَا الْحَقُّ ۗ أَلَا إِنَّ الَّذِينَ يُمَارُونَ فِي السَّاعَةِ لَفِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ 18 ١٨

Nagmamadali nito ang mga hindi sumasampalataya rito. Ang mga sumampalataya ay mga nababagabag dito at nakaaalam na ito ay ang katotohanan. Pansinin, tunay na ang mga nakikipagtaltalan kaugnay sa Huling Sandali ay talagang nasa isang pagkaligaw na malayo. (18)

Tafsīr
Humihiling ang mga hindi sumasampalataya roon ng pagmamadali roon dahil sila ay hindi sumasampalataya sa pagtutuos ni sa gantimpala ni sa parusa. Ang mga sumampalataya kay Allāh ay mga nangangamba roon dahil sa pangamba nila sa kahahantungan nila roon. Nakaaalam sila ayon sa kaalaman ng katiyakan na iyon ay ang katotohanan na walang mapag-aalinlanganan doon. Pansinin, tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa Huling Sandali, nakikipag-alitan hinggil doon, at nagpapaduda sa pagkaganap niyon ay talagang nasa isang pagkaligaw na malayo sa katotohanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba