Surah Al-Jumu‘ah (Ang Biyernes — الجمعة) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




62 Al-Jumu‘ah(الجمعة), Talata 2

هُوَ الَّذِي بَعَثَ فِي الْأُمِّيِّينَ رَسُولًا مِنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِهِ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَإِنْ كَانُوا مِنْ قَبْلُ لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 2 ٢

Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat [na Qur’ān] at Karunungan – at bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw – (2)

Tafsīr
Siya ay ang nagsugo sa mga Arabe na hindi nakababasa at hindi nakasusulat ng isang sugo na kabilang sa lahi nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya na pinababa Niya rito, nagdadalisay sa kanila mula sa kawalang-pananampalataya at mga kasagwaan ng mga kaasalan, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at nagtuturo sa kanila ng Sunnah – gayong tunay sila dati bago ng pagsusugo sa kanya sa kanila ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa katotohanan= yayamang sila dati ay sumasamba sa mga anito, nagpapadanak ng mga dugo, at pumuputol sa ugnayang pangkaanak.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba