Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Jumu‘ah — Talata 2 (Tagalog) — Bidyo

Al-Jumu‘ah • Talata 2 sa 11 • Tagalog


هُوَ الَّذِي بَعَثَ فِي الْأُمِّيِّينَ رَسُولًا مِنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِهِ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَإِنْ كَانُوا مِنْ قَبْلُ لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 2
Pagsasalin:
Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat [na Qur’ān] at Karunungan – at bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw – Al-Jumu‘ah 62:2
Tafsīr:
Siya ay ang nagsugo sa mga Arabe na hindi nakababasa at hindi nakasusulat ng isang sugo na kabilang sa lahi nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya na pinababa Niya rito, nagdadalisay sa kanila mula sa kawalang-pananampalataya at mga kasagwaan ng mga kaasalan, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at nagtuturo sa kanila ng Sunnah – gayong tunay sila dati bago ng pagsusugo sa kanya sa kanila ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa katotohanan= yayamang sila dati ay sumasamba sa mga anito, nagpapadanak ng mga dugo, at pumuputol sa ugnayang pangkaanak.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Jumu‘ah • Talata 1 Susunod Al-Jumu‘ah • Talata 3