Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Jumu‘ah — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Al-Jumu‘ah • Talata 1 sa 11 • Tagalog


يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ الْمَلِكِ الْقُدُّوسِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِ 1
Pagsasalin:
Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Makapangyarihan, ang Marunong. Al-Jumu‘ah 62:1
Tafsīr:
Nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh sa bawat anumang hindi nababagay sa Kanya kabilang sa mga katangian ng kakulangan at nagpapabanal sa Kanya ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa na mga nilikha. Siya ay ang Haring namukod-tangi lamang sa paghahari, ang pinawalang-kaugnayan sa bawat kakulangan, ang Makapangyarihang walang dumadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣaff • Talata 14 Susunod Al-Jumu‘ah • Talata 2