Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṣ-Ṣaff — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Aṣ-Ṣaff • Talata 14 sa 14 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا أَنْصَارَ اللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ لِلْحَوَارِيِّينَ مَنْ أَنْصَارِي إِلَى اللَّهِ ۖ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنْصَارُ اللَّهِ ۖ فَآمَنَتْ طَائِفَةٌ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَكَفَرَتْ طَائِفَةٌ ۖ فَأَيَّدْنَا الَّذِينَ آمَنُوا عَلَىٰ عَدُوِّهِمْ فَأَصْبَحُوا ظَاهِرِينَ 14
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: “Sino ang mga tagapag-adya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagapag-adya tungo kay Allāh.” Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw. Aṣ-Ṣaff 61:14
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa sa isinabatas Niya para sa kanila, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo sa pamamagitan ng pag-aadya ninyo sa Relihiyon Niyang inihatid ng Sugo ninyo, tulad ng pag-aadya ng mga disipulo noong nagsabi sa kanila si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Sino ang mga tagapag-adya ko kay Allāh?" Kaya sumagot sila sa kanya, na mga nagdadali-dali: "Kami ay ang mga tagapag-adya ni Allāh." Kaya may sumampalataya kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na isang grupo mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na iba pang grupo. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya kay Jesus laban sa mga tumangging sumampalataya sa kanya, kaya sila ay naging mga nakadadaig laban sa mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣaff • Talata 13 Susunod Al-Jumu‘ah • Talata 1