Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo, at magpapatawad kayo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (14)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo dahil sa kanilang pagiging umaabala sa inyo sa pag-alaala kay Allāh at pakikibaka sa landas Niya at bumabalakid sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila na makaapekto sila sa inyo. Kung magpapalampas kayo sa mga pagkatisod nila, aayaw kayo sa mga ito, at magtatakip kayo sa mga ito sa kanila, tunay na si Allāh ay mapagpatawad sa inyo sa mga pagkakasala ninyo, at maaawa sa inyo. Ang ganti ay kauri ng gawain.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: