Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taghābun — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

At-Taghābun • Talata 14 sa 18 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ وَأَوْلَادِكُمْ عَدُوًّا لَكُمْ فَاحْذَرُوهُمْ ۚ وَإِنْ تَعْفُوا وَتَصْفَحُوا وَتَغْفِرُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 14
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo, at magpapatawad kayo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. At-Taghābun 64:14
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo dahil sa kanilang pagiging umaabala sa inyo sa pag-alaala kay Allāh at pakikibaka sa landas Niya at bumabalakid sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila na makaapekto sila sa inyo. Kung magpapalampas kayo sa mga pagkatisod nila, aayaw kayo sa mga ito, at magtatakip kayo sa mga ito sa kanila, tunay na si Allāh ay mapagpatawad sa inyo sa mga pagkakasala ninyo, at maaawa sa inyo. Ang ganti ay kauri ng gawain.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taghābun • Talata 13 Susunod At-Taghābun • Talata 15