Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang samantalang si Allāh sa ganang Kanya ay may isang pabuyang sukdulan. At-Taghābun 64:15 ⧉
Tafsīr:
Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang pagsubok at isang pagsusulit lamang para sa inyo sapagkat maaaring magdala sila sa inyo sa pagkamit ng ipinagbabawal at pag-iwan sa pagtalima kay Allāh samantalang si Allāh ganang Kanya ay may isang gantimpalang sukdulan para sa sinumang nagtangi sa pagtalim sa Kanya higit sa pagtalima sa mga anak at higit sa pagkaabala sa yaman. Ang ganting sukdulan na ito ay ang paraiso.