Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taghābun — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

At-Taghābun • Talata 16 sa 18 • Tagalog


فَاتَّقُوا اللَّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ وَاسْمَعُوا وَأَطِيعُوا وَأَنْفِقُوا خَيْرًا لِأَنْفُسِكُمْ ۗ وَمَنْ يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ 16
Pagsasalin:
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo [sa landas ni Allāh] ng isang kabutihan para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang ipinagsanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. At-Taghābun 64:16
Tafsīr:
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa abot ng makakaya ninyo sa pagtalima sa Kanya sa anuman, makinig kayo, tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, at magkaloob kayo ng mga yaman ninyo na itinustos sa inyo ni Allāh sa paggawa ng mga uri ng kabutihan. Ang sinumang ipinagsanggalang ni Allāh sa sigasig ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo ng hinihiling nila at ang mga maliligtas sa pinangingilabutan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taghābun • Talata 15 Susunod At-Taghābun • Talata 17