May iba pang [biyaya] iibigin ninyo: isang pag-aadya mula kay Allāh at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya. Aṣ-Ṣaff 61:13 ⧉
Tafsīr:
Kabilang sa tubo sa pangangalakal na ito ay isa pang katangiang iibigin ninyo. Ito ay madalian sa Mundo: na mag-adya sa inyo si Allāh laban sa mga kaaway ninyo at isang pagsakop na malapit na isasagawa Niya para sa inyo, ang pagsakop sa Makkah at iba pa roon. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga mananampalataya ng magpapagalak sa kanila na pag-aadya sa Mundo at pagtamo ng paraiso sa Kabilang-buhay.