Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 60

أَمَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا بِهِ حَدَائِقَ ذَاتَ بَهْجَةٍ مَا كَانَ لَكُمْ أَنْ تُنْبِتُوا شَجَرَهَا ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ يَعْدِلُونَ 60 ٦٠

O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga punong-kahoy ng mga iyon ay isang diyos kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong nagpapantay [sa Kanya sa iba]. (60)

Tafsīr
O ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa walang pagkakatulad na nauna at nagpababa para sa inyo, O mga tao, mula sa langit ng tubig ng ulan kaya nagpatubo para sa inyo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may kagandahan at karikitan, na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga puno ng mga harding iyon dahil sa kawalang-kakayahan ninyo roon sapagkat si Allāh ang nagpatubo sa mga iyon, ay isang sinasamba bang gumawa nito kasama kay Allāh? Hindi! Bagkus sila ay mga taong nalilihis palayo sa katotohanan sapagkat ipinapantay nila ang Tagalikha sa mga nilikha dala ng kawalang-katarungan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba