Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 63)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 63

أَمَّنْ يَهْدِيكُمْ فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَمَنْ يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ تَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ 63 ٦٣

O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Napakataas si Allāh higit sa anumang itinatambal nila. (63)

Tafsīr
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at mga kadiliman ng karagatan sa pamamagitan ng inilapat Niya para sa inyo na mga palatandaan at mga bituin, at ang nagpapadala ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa lapit ng pagbaba ng ulan na naaawa Siya sa pamamagitan nito sa mga lingkod Niya, ay isang sinasamba bang gumagawa niyon kasama kay Allāh? Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at nagpakabanal palayo sa anumang itinatambal nila kabilang sa mga nilikha Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba