Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 63 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 63 sa 93 • Tagalog


أَمَّنْ يَهْدِيكُمْ فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَمَنْ يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ تَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ 63
Pagsasalin:
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Napakataas si Allāh higit sa anumang itinatambal nila. An-Naml 27:63
Tafsīr:
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at mga kadiliman ng karagatan sa pamamagitan ng inilapat Niya para sa inyo na mga palatandaan at mga bituin, at ang nagpapadala ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa lapit ng pagbaba ng ulan na naaawa Siya sa pamamagitan nito sa mga lingkod Niya, ay isang sinasamba bang gumagawa niyon kasama kay Allāh? Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at nagpakabanal palayo sa anumang itinatambal nila kabilang sa mga nilikha Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 62 Susunod An-Naml • Talata 64