Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 64 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 64 sa 93 • Tagalog


أَمَّنْ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَمَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 64
Pagsasalin:
O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito, at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?” Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.” An-Naml 27:64
Tafsīr:
O ang nagsisimula ng paglikha sa mga sinapupunan sa isang baitang matapos ng isang baitang, pagkatapos nagbibigay-buhay rito matapos ng pagbibigay-kamatayan dito, at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit sa pamamagitan ng ulang pinabababa mula sa dako niyon at nagtutustos sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng mga halamang pinatutubo rito ay isang sinasamba bang gumagawa niyon kasama kay Allāh?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magbigay kayo ng mga patunay ninyo sa taglay ninyo na shirk kung kayo ay mga tapat sa anumang pinagsasabi ninyo na kayo ay nasa katotohanan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 63 Susunod An-Naml • Talata 65