Surah An-Naml (Ang Langgam — النمل) (Talata 82)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




27 An-Naml(النمل), Talata 82

وَإِذَا وَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِمْ أَخْرَجْنَا لَهُمْ دَابَّةً مِنَ الْأَرْضِ تُكَلِّمُهُمْ أَنَّ النَّاسَ كَانُوا بِآيَاتِنَا لَا يُوقِنُونَ 82 ٨٢

Kapag bumagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang gumagalaw na nilalang mula sa lupa na kakausap sa kanila, [na nagsasabi] na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak. (82)

Tafsīr
Kapag kinailangan ang pagdurusa at napagtibay ito sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila, at nanatili ang masasama sa mga tao, magpapalabas Kami para sa kanila sa sandali ng pagkakalapit ng Huling Sandali ng isa sa mga tanda nitong pinakamalaki. Ito ay isang hayop mula sa lupa, na kakausap sa kanila sa pamamagitan ng naiintindihan nila: na ang mga tao noon, sa mga tanda Naming ibinaba sa Propeta Namin, ay hindi nagpapatotoo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba