Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naml — Talata 82 (Tagalog) — Bidyo

An-Naml • Talata 82 sa 93 • Tagalog


وَإِذَا وَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِمْ أَخْرَجْنَا لَهُمْ دَابَّةً مِنَ الْأَرْضِ تُكَلِّمُهُمْ أَنَّ النَّاسَ كَانُوا بِآيَاتِنَا لَا يُوقِنُونَ 82
Pagsasalin:
Kapag bumagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang gumagalaw na nilalang mula sa lupa na kakausap sa kanila, [na nagsasabi] na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak. An-Naml 27:82
Tafsīr:
Kapag kinailangan ang pagdurusa at napagtibay ito sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila, at nanatili ang masasama sa mga tao, magpapalabas Kami para sa kanila sa sandali ng pagkakalapit ng Huling Sandali ng isa sa mga tanda nitong pinakamalaki. Ito ay isang hayop mula sa lupa, na kakausap sa kanila sa pamamagitan ng naiintindihan nila: na ang mga tao noon, sa mga tanda Naming ibinaba sa Propeta Namin, ay hindi nagpapatotoo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naml • Talata 81 Susunod An-Naml • Talata 83