Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa pagkaligaw nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop [sa kalooban ni Allāh]. An-Naml 27:81 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka isang tagapagpatnubay ng mga nabulag ang mga paningin nila palayo sa katotohanan kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang pumagod sa sarili mo. Hindi ka nakakakaya na magpaintindi sa katotohanan maliban sa mga sumasampalataya sa mga tanda sapagkat sila ay mga nagpapaakay sa mga utos ni Allāh.