[Banggitin] ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin saka sila ay papipilahin; An-Naml 27:83 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan ng isang pangkat kabilang sa mga malaking tao nila, kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin. Itutulak ang kauna-unahan nila tungo sa kahuli-hulihan nila, pagkatapos sila ay ihahanay patungo sa pagtutuos.