Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 10

وَأَصْبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَارِغًا ۖ إِنْ كَادَتْ لَتُبْدِي بِهِ لَوْلَا أَنْ رَبَطْنَا عَلَىٰ قَلْبِهَا لِتَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ 10 ١٠

Ang puso ng ina ni Moises ay naging hungkag. Tunay na muntik talagang maglantad ito sa kanya kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalataya. (10)

Tafsīr
Ang puso ng ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay naging hungkag sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa Mundo maliban sa nauukol kay Moises. Kaya hindi na ito nakatiis hanggang sa muntik nang maghayag ito na si Moises ay anak nito dahil sa tindi ng pagkahumaling sa kanya, kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito sa pamamagitan ng pagpapatatag sa puso nito at pagpapatiis dito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nananalig sa Panginoon nila, na mga nagtitiis sa anumang itinatadhana Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba