Ang puso ng ina ni Moises ay naging hungkag. Tunay na muntik talagang maglantad ito sa kanya kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalataya. Al-Qaṣaṣ 28:10 ⧉
Tafsīr:
Ang puso ng ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay naging hungkag sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa Mundo maliban sa nauukol kay Moises. Kaya hindi na ito nakatiis hanggang sa muntik nang maghayag ito na si Moises ay anak nito dahil sa tindi ng pagkahumaling sa kanya, kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito sa pamamagitan ng pagpapatatag sa puso nito at pagpapatiis dito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nananalig sa Panginoon nila, na mga nagtitiis sa anumang itinatadhana Niya.