Nagsabi ito sa babaing kapatid niya: “Magsubaybay ka sa kanya.” Kaya nakakita iyon sa kanya mula sa malayo habang sila ay hindi nakararamdam. Al-Qaṣaṣ 28:11 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa babaing kapatid niya matapos ng pagtapon nito sa kanya sa ilog: "Sumunod ka sa bakas niya upang malaman mo ang gagawin sa kanya." Kaya nakatingin iyon sa kanya mula sa kalayuan upang hindi mabunyag ang ginagawa niyon habang si Paraon at ang mga tao nito ay hindi nakararamdam na iyon ay babaing kapatid niya at na iyon ay nagsisiyasat sa lagay niya.